Aarangkada Na!

Pagkatapos ng mahabang bakasyon, muli nang magbabalik ang pinakamakulit na pasaherong natunghayan ng lahat!

Abangan ang kanyang mga paglalakbay tuwing Linggo! 🙂

July 12, 2009 at 12:13 pm 1 comment

Nasaan?

Nakakapagod din pala minsan ang bumiyahe. Kung minsan, nais mo na rin namang tumigil, sa gasolinahan man o sa mismong garahe mo.

Sandali lang. Bago kayo mag-react nang bonggang-bongga, nais ko lamang linawing hindi po ako nagpapaalam sa inyo ngayon. Haha.

Naisip ko lamang, sa loob ng ilang buwang hindi bumiyahe sa mundo ng blogging ang inyong lingkod, napakarami ko na rin palang naranasang uri ng mga biyahe sa buhay ko. May mga ilang nakatutuwa, may ilan ding nakasusulasok. Ngunit higit kailanman, lahat ng mga ito ay tunay na kinalalangkapan ng samu’t saring mga aral para sa isang tulad kong patuloy na binabagtas ang masukal na kagubatan ng buhay.

Minsan, kailangan nating suungin ang isang lugar na ni sa balintataw ay hindi natin naisip puntahan. Ang tao ay likas na matatakutin sa mga bagay o konseptong lingid sa kanyang kaalaman, kaya natural lamang sa atin ang magtanong kung ano ba ang katangian ng nasabing lugar at, higit pa rito, ang daan patungo roon. Sa pagmamadali, marahil, o sa kagustuhang masilayan ang lugar, hindi maiwasang magkamali tayo ng sinakyan, na tiyak na magdadala sa atin sa maling lugar. Kung tama man ang lugar na ating narating, maaaring hindi pala akma ang isang lugar sa panlasa ng isang tao. Sa parehong kalagayan, makikita ang pagkaligaw.

Maaaring alam ito ng taong iyon, maaaring hindi. Subalit higit na mahirap kung lingid ito sa kanya.

Kung ikaw man ay may pag-aalinlangan, simulan mo nang hanapin ang daan pabalik.

October 4, 2008 at 12:36 pm 1 comment

1-2-3. P8.50!

Sa wakas, nakapag-parking na ako uli sa blog ko! 🙂

Grabe, nahinto ‘yung biyahe rito. Ewan ko kung related din ito sa skyrocketing oil price, pero mukhang hindi naman. LOL. Anyway, ayoko na lang magbanggit ng ilang mga bagay hinggil sa pesteng langis na ‘yan kasi baka pulitika na naman ang puntahan ng post na ito, kahit sa totoo lang ay matagal na rin akong gigil na gigil sa walang patid na oil price hike. Napaka-inutil kasi ng gobyerno e. Hindi lang naman kasi presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang tanging dahilan ng pagtaas ng langis. Nand’yan din ang Oil Deregulation Law na nagbibigay-laya talaga sa mga kumpanya ng langis para makapagdikta ng presyo. Malamang, monopolyo ang langis dito sa bansa.

Anyway, stop na. Haha. Kung ipapaliwanag ko ang lahat ng bagay tungkol d’yan sa langis, baka sobrang haba na nito. Palibhasa, kakagaling ko lang din kay The Political Buzzerbeater na ayaw rin muna mag-post ng may kinalaman sa pulitika (malamang, iisa lang kami e). Haha. Medyo nauuta na rin kasi talaga ako sa iba’t ibang mga teoryang pampulitika. Puro majors na rin kasi ako talaga ngayon. Haggard, haggard.

1-2-3. Asawa ni Marie. Araw-gabi, walang panty.

Censored ‘yan. Haha. Pero naalala ko lang ‘yang bastos na jingle na ‘yan kasi mukhang laganap na ang pangwa-one-two-three sa jeep ngayon, o sa kahit anumang pampublikong sasakyan ngayon, maliban siguro sa LRT o MRT. Aba, e baka may Ph. D. ka na sa pangwa-one-two-three mo na siguro kapag nagawa mo ‘yun doon. LOL.

Hindi sa pagmamayabang, pero meron kaming dalawang jeep na pumapasada. Actually, ‘yung isa nga, naka-park pa ngayon sa UP parking lot sa Padre Faura katabi ang isang Honda Civic. Imagine that. Haha. At ‘yung mga jeep na ‘yun, pinapasada ng mga drivers namin, tapos magbibigay sila ng boundary sa amin. Sobrang malaking tulong talaga na meron kaming jeep kasi nakakaluwag kahit paano sa mga gastusin ng pamilya.

Kapag aalis ako ng bahay, palagi akong tinatanong ni Daddy.

Daddy: Anak, nagbabayad ka ba nang tama?
Yom: Yeah! 🙂
Daddy: Magkano ba binabayad mo?
Yom: P8 lang kapag student. Kapag weekends and holidays, P10.
Daddy: Ah. Tama ‘yun, anak! Huwag na huwag mong gugulangan ‘yung mga driver kasi sa ganyang industriya din tayo nabubuhay, e.

Kapag naging bahagi ka ng UP, magkakaroon ka rin naman talaga ng sense of social responsibility, kaya hindi mo rin talaga maaatim na maging unfair sa iba. Isipin mo, privileged ka na nga kasi nakakapag-aral ka, tapos ‘yung kakarampot na otso pesos at singkwenta sentimos, hindi mo maibayad doon sa mamang naghihirap bumiyahe araw-gabi.

Kaya ako, given those two things, hindi ko talaga iniisip na mang-one-two-three.

Akalain n’yong ako pa ang napagbintangan.

(more…)

August 4, 2008 at 6:47 am 5 comments

Stranded

Mahirap talaga ang biyahe ng buhay. Kadalasan, maraming mga hindi-inaasahang bagay ang nangyayari habang tayo ay naglalakbay.

Isa na nga rito ay ‘yung ma-stranded sa biyahe.

Naalala ko tuloy ang ilang mumunting alala ko noong ako’y nasa sekundarya pa lamang. Second year high school lamang ako noon sa isang pesteng batikang paaralan. Ako ‘yung taong walang konsepto ng pagdiretso sa bahay pagkagaling sa school at, marahil, dito ko nakuha sa paaralang ito ang ganoong pag-uugali. Ang lapit kasi ng Robinsons’ Ermita at SM Manila, e. Amp. LOL.

Pero in fairness, naisip kong umuwi kaagad noon gabing iyon, kaya agad din akong tumungo sa istasyon ng LRT. Malamang, wala kasi akong payong. Hindi ko rin kasi talaga ugaling magdala ng payong kahit bumabagyo na ang panahon, maliban na lang kapag nagkasakit na ako. Parang mas exciting kasing mag-alulod-hopping o ‘di kaya’y mag-hop sa payong ng may payong. Yehey. 😀

Feel ko pa noon, makakauwi ako nang maaga. Feel ko talaga, masosolo ko ang bahay namin noon kasi umalis sila. Pero hindi pala.

Monumento station. Last station. Dali-dali akong bumaba para makasakay sa jeep, habang hindi pa gaanong kalakasan ang ulan. Grabe, marami palang taong naghihintay rin ng masasakyan nila, kung kaya naisip kong pumunta sa mas malayong lugar upang maunahan ang iba sa pagsakay.

30 minuto. Wala pa rin. Kahit nga FX, punuan na rin talaga.

Isang oras.

Dalawang oras.

Tatlong oras. Naisip kong huwag nang maghintay ng jeep. Naisip kong magpunta na lang sa circle ni Bonifacio para maghintay ng bus. Baka sakaling makasakay na ako.

Apat na oras. Wala talaga akong masakyan na kahit anong bus. Sinubukan ko na rin ang mga taxi ngunit wala talagang gustong magsakay sa akin, maging sa ibang mga pasaherong hapong-hapo dahil sa kaka-*toot* kakahintay ng pi-pick-up na customer bus sa kanila.

Fcuk siht. Anong petsa na. Alas-siyete pa ang pasok ko bukas. Siyete talaga, wala pa rin akong masakyan. Naisip ko tuloy, walking distance lang ang Caloocan at Valenzuela. Nagsimula na akong maglakad.

Apat at kalahating oras. Na-fi-feel ko na nang unti-unti ang hangin ng Valenzuela. Ang baho kasi ng Tullahan River. Amp. Nag-inarte pa ako sabay takip ng ilong habang papalapit sa tulay, para lang makita ko na umaapaw na ang tulay. Swerte na sana dahil may truck na kering-keri ang pagtawid sa baha. Kaso, hindi ako nakasampa sa itaas nito. Malas. Siyete talaga. Gustuhin ko mang mag-inarte at magsisigaw ng, “So eeew, like you know naman, it’s dirty!“, mukhang wala na akong ibang choice kundi ang lusungin ang tulay na kasalukuyang dinadaluyan ng tubig mula sa ilog na punung-puno ng basura at ebak. Take note: hanggang baywang po ang tubig. Base sa aking kalkulasyon, nasa 100 meters ‘yung nilakad ko. Ewan ko lang, ah. Bobo ako sa Math.

Buti na lamang, may jeep na pagkatapos ng misadventure na ‘yun.

Ano bang connect ng post na ito sa akin?

Napansin ko lang kasi, na-stranded bigla ‘yung blog ko, e. Wala lang. Siguro, masyado na nga akong kinakain ng mga bagay na pinagkakaabalahan ko sa buhay ko. ‘Yung tipong masyado akong na-stranded sa mga gawaing ito, at parang hindi ko na rin nabibigyang-pansin ang ilang gawain na kailangan ko pa ring gampanan.

Stranded din ako sapagkat may ilang mga bagay sa buhay ko ang hindi ko mabigyan ng agarang desisyon. Siguro, dahil nag-iisip pa rin naman ako talaga. Pero minsan, hindi ko rin maiwasang mainip. Maraming bagay ang gusto kong mangyari kaagad.

Nawa’y maging maayos na ang usad ng aking biyahe. 🙂

June 24, 2008 at 2:17 pm 5 comments

Tulog

Iba talaga ang nagagawa kapag sobrang adik ka sa isang bagay.

Kahapon, nanood ako ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City. Knock-out match na kasi ng semi-finals at nagyaya ang Atenista kong kaibigan, kaya naisipan kong manood. Sobrang naging exciting naman ang mga laro, aside sa mga nagseseksihan at naggagandahang mga volleyball players tulad na lang ni Charo Soriano ng Ateneo, na hanggang ngayon ay hindi ko ma-get over. Nagpa-picture kasi kami, e. LOL.

Anyway, hindi naman tungkol sa amin ni Charo Soriano ang kuwento. Haha.

Pagkatapos naming makipag-bonding nang konti sa ilang mga players, naisip ko at ng mga kasama kong gumala sa Greenhills. Anak ng tinola. Napagastos pa ako. Nakakatamad kasi umuwi.

8:30 PM. Naisipan na naming umuwi ni Evan, ang natira kong kasama. Dalawa na lang kami na naglibot sa loob ng Greenhills kasi umalis na ‘yung Atenista kong kaibigan. Dahil sa kakaulan lang, patuloy ang pagsingaw ng init ng lupa. Nakakahilo. Kung kanina, tamad na tamad ako umuwi, ngayon naman ay gustung-gusto ko na! Inaantok na rin ako talaga. Tang-ina, malas yata kami. ‘Pag nasa ilalim kami ng pedestrian overpass, hihinto sa may open space ‘yung bus. At kapag nasa open space kami, hihinto naman sa ilalim ng overpass ang bus. Kaya lagi kaming takbo nang takbo. Peste.

9:40 PM. Sa wakas, nakasakay na kami. Instant orgasm. Haha. Isipin n’yo, isang oras kaming pahabol-habol sa bus. Takbo sa ilalim ng overpass, takbo sa open space.

Punuan na ang bus, katulad ng inaasahan namin. Dahil sa medyo gabi na rin talaga, ang daming tulog sa bus. Ang sarap nila tingnan. Nakakatuwa. Hayaan n’yong isalarawan ko sila.

(more…)

May 26, 2008 at 10:40 am 10 comments

Lasing

Bilang paunang handog, hayaan ninyong ipahiya ko muna ang aking sarili. Haha.

Fratman. Iyan na yata ang isa sa mga katangiang nakatatak sa akin sa ngayon. Aminin ko man o hindi, alam naman nating lahat na hindi gaanong maganda ang tingin sa mga fratman na katulad ko. Nandiyan ang samu’t saring mga usapin gaya ng initiation at frat war. Kung kaya’t sa araw-araw kong pamumuhay, pilit kong ginagawang positibo ang imahe ng isang fratman.

Isang gabi, sumama akong makipag-inuman sa mga brods ko pagkatapos ng aming madugong pagpaplano para sa nalalapit na halalan ng konseho ng mga mag-aaral (student council). Ilang araw pa lamang nag nakalipas mula nang ako’y maging ganap na brod. Bilang bunso, naisip kong isa ito sa mga mabuting paraan upang makilala nang mabuti ang bawat brod sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Kadalasan, may ilang katangian ang mga tao na lingid sa kaalaman ng iba, at lumalabas ang mga ganitong katangian kapag sila’y nakainom.

(more…)

May 23, 2008 at 9:00 pm 9 comments


Sino ang Pasahero?

Upang malaman, muling bisitahin ang Know the Buzzerbeater! na pahina. :)

Patok na Biyahe!

  • None

Categories

Mga Nakaraang Biyahe