Anong meron sa biyahe?

Nagsimula ako sa WordPress bilang si The Buzzerbeater (na naging The Political Buzzerbeater na nga nito lamang). Naging tampok doon ang aking personal na buhay, maging ang pulitika ng isang labingwalong taong gulang na mag-aaral ng Agham Pampulitika.

At ngayon, heto na ang ikalawa kong blog dito sa WordPress.

Ano nga ba ang maihahandog ng blog na ito sa inyo?

Hindi lahat ng tao sa daigdig ay mahilig maglakbay o magpunta kung saan-saan, ngunit masasabing lahat ng tao ay nakaranas ng magbiyahe, maaaring sa pamamagitan ng pagsakay sa ating mga pampublikong sasakyan o paggamit ng ating mga pribadong sasakyan. At bawat paglalakbay ay siguradong nagtataglay ng malawak, malaman at iba’t ibang uri ng mga karanasan.

Ito ang nais kong ibahagi sa inyo–ang aking mga kakaibang karanasan habang nasa biyahe. Maaaring ang bawat karanasan ko ay katulad ng sa inyo. Nais kong magkuwentuhan tayo habang naglalakbay tayo sa buhay na ito.

Kung ayaw n’yo ng pulitika, huwag kayong mag-alala. Wala pong masyadong pulitika rito. Kung ayaw n’yo rin ng mga opinyon ko sa ilang mga bagay tulad ng pag-ibig, marahil heto na nga ang puwede ninyong puntahan.

Hangad ko ang inyong kasiyahan sa pagbabasa. Maligayang paglalakbay, kaibigan! 😀

***

P.S. Puntahan n’yo pa rin ‘yung isang blog, ah. Please? Hehe.

Advertisements

2 Comments Add your own

  • 1. Puypuy  |  May 24, 2008 at 5:16 am

    Okay to ah. Lolz

    Reply
  • 2. saishin  |  June 15, 2008 at 10:28 am

    napadaan lang..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


%d bloggers like this: