1-2-3. P8.50!

August 4, 2008 at 6:47 am 5 comments

Sa wakas, nakapag-parking na ako uli sa blog ko! šŸ™‚

Grabe, nahinto ‘yung biyahe rito. Ewan ko kung related din ito sa skyrocketing oil price, pero mukhang hindi naman. LOL. Anyway, ayoko na lang magbanggit ng ilang mga bagay hinggil sa pesteng langis na ‘yan kasi baka pulitika na naman ang puntahan ng post na ito, kahit sa totoo lang ay matagal na rin akong gigil na gigil sa walang patid na oil price hike. Napaka-inutil kasi ng gobyerno e. Hindi lang naman kasi presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang tanging dahilan ng pagtaas ng langis. Nand’yan din ang Oil Deregulation Law na nagbibigay-laya talaga sa mga kumpanya ng langis para makapagdikta ng presyo. Malamang, monopolyo ang langis dito sa bansa.

Anyway, stop na. Haha. Kung ipapaliwanag ko ang lahat ng bagay tungkol d’yan sa langis, baka sobrang haba na nito. Palibhasa, kakagaling ko lang din kay The Political Buzzerbeater na ayaw rin muna mag-post ng may kinalaman sa pulitika (malamang, iisa lang kami e). Haha. Medyo nauuta na rin kasi talaga ako sa iba’t ibang mga teoryang pampulitika. Puro majors na rin kasi ako talaga ngayon. Haggard, haggard.

1-2-3. Asawa ni Marie. Araw-gabi, walang panty.

Censored ‘yan. Haha. Pero naalala ko lang ‘yang bastos na jingle na ‘yan kasi mukhang laganap na ang pangwa-one-two-three sa jeep ngayon, o sa kahit anumang pampublikong sasakyan ngayon, maliban siguro sa LRT o MRT. Aba, e baka may Ph. D. ka na sa pangwa-one-two-three mo na siguro kapag nagawa mo ‘yun doon. LOL.

Hindi sa pagmamayabang, pero meron kaming dalawang jeep na pumapasada. Actually, ‘yung isa nga, naka-park pa ngayon sa UP parking lot sa Padre Faura katabi ang isang Honda Civic. Imagine that. Haha. At ‘yung mga jeep na ‘yun, pinapasada ng mga drivers namin, tapos magbibigay sila ng boundary sa amin. Sobrang malaking tulong talaga na meron kaming jeep kasi nakakaluwag kahit paano sa mga gastusin ng pamilya.

Kapag aalis ako ng bahay, palagi akong tinatanong ni Daddy.

Daddy: Anak, nagbabayad ka ba nang tama?
Yom: Yeah! šŸ™‚
Daddy: Magkano ba binabayad mo?
Yom: P8 lang kapag student. Kapag weekends and holidays, P10.
Daddy: Ah. Tama ‘yun, anak! Huwag na huwag mong gugulangan ‘yung mga driver kasi sa ganyang industriya din tayo nabubuhay, e.

Kapag naging bahagi ka ng UP, magkakaroon ka rin naman talaga ng sense of social responsibility, kaya hindi mo rin talaga maaatim na maging unfair sa iba. Isipin mo, privileged ka na nga kasi nakakapag-aral ka, tapos ‘yung kakarampot na otso pesos at singkwenta sentimos, hindi mo maibayad doon sa mamang naghihirap bumiyahe araw-gabi.

Kaya ako, given those two things, hindi ko talaga iniisip na mang-one-two-three.

Akalain n’yong ako pa ang napagbintangan.

Isang gabi, sabay kaming umuwi ng sis ko. Masaya naman kaming nagkukwentuhan mula pa sa LRT hanggang sa jeep. Pagkasakay na pagkasakay namin, kaagad din kaming nagbayad ng student fare, kasabay ang ilang pasaherong nagsisipagbayad na rin.

Ilang saglit lang, bumaba na ang sis ko sa jeep. Sitting pogi na lang ako sa jeep habang pinagmamasdan ang mangilan-ngilang mga pasahero.

Yom: Ang cute naman n’ya! Tapos pati rin ‘yung katabi n’ya! šŸ™‚

Habang nasa biyahe pa rin, bigla namang may tumawag. Sobrang sarap ng kuwentuhan namin kahit medyo maugong lang sa biyahe. Medyo malakas talaga ‘yung boses ko kasi hindi kami halos magkarinigan ng kausap ko. Noong medyo malapit na ako, binaba na ng kausap ko ‘yung linya. Saktong-sakto, nagpara ako.

Yom: Manong, para ho sa tabi!
Manong Driver: (Hininto sa tabi) Hoy, hindi ka pa nagbabayad, ah!
Yom: (Pababa na ngunit napahinto at lumingon kay MD) Manong, nagbayad na po ako.
Manong Driver: Hindi ka pa nagbabayad!
Yom: (Kinakabahan kasi nagagalit na si MD) Nagbayad na po ako. Swear talaga! Kasabay ko po ‘yung babaeng bumaba sa may Malabon kanina. (Sabay baba)
Manong Driver: (Matagal na inihinto ang jeep) Magbayad ka, magbayad ka!

Grabe, lumabas pa talaga si MD sa jeep n’ya para habulin ako! Sobrang scary talaga. Ayaw n’ya kasi maniwalang nagbayad na ako kahit panay ang explain ko. Napatakbo tuloy ako nang wala sa oras.

Kung titingnan mo ang eksena, mukha talaga akong hindi nagbayad kasi tumakbo ako palayo sa kanya nung lumabas siya ng jeep. Pero sa totoo lang, sobrang takot na ako noon kasi parang may hawak pa siya na kung ano. Feeling ko talaga, tutubuhin pa n’ya ako, e.

Hindi ko rin naman masisi ‘yung matanda kung bakit n’ya ako napagkamalang nag-one-two-three. Baka nalito lang din siguro sa dami ng nagbabayad, at hindi napansin ang pag-aabot ko ng bayad sa kanya.

Tips Upang Hindi Mapagbintangang Nag-1-2-3 sa Jeep

1. Iwasang magbayad kapag sabay-sabay na nag-aabot ang mga pasahero. Lesson well-learned. šŸ™‚ Bantayan din ang inyong bayad. May mga ilan kasi, ayon sa mga drivers namin, na inaangkin ‘yung bayad kapag marami talagang nag-aabot.

2. Maghanda ng barya. Mas hindi na hassle kapag wala nang magaganap sa suklian. Besides, may option ka pang magbayad na lamang kapag medyo malapit ka na sa babaan.

3. Huwag na huwag sasakay sa matandang ulyanin. Peace po para sa lahat ng mga drivers na tumanda na sa pagmamaneho, pero may tendency kasi na makalimot sila. Pero kung nakasakay ka na, sundin ang Tip #2. šŸ™‚

4. Iwasang tumabi sa mga mukhang mandurugas o barat sa jeep. Baka ikaw pa ang mapagbintangan kahit na ‘yung katabi mo ang may sala.

5. Kapag magbabayad, siguraduhing lakasan ang inyong boses. Lalo na sa mga jeep na halos tumalon ang puso mo sa lakas ng stereo, tapos kapag medyo napasigaw ka dahil hindi n’ya marinig, ikaw pa ang sasabihan ng driver na, “Hindi ho ako bingi!” Haha.

Advertisements

Entry filed under: Kuwentong Jeep, Uncategorized.

Stranded Nasaan?

5 Comments Add your own

  • 1. sherma  |  August 5, 2008 at 1:13 pm

    masaya nga dito.. pag nosebleed na ako sa kabilang blog, punta lang ako dito… add ko na ‘to sa links ko…

    anyways…

    OUCH!

    Reply
  • 2. sherma  |  August 5, 2008 at 1:16 pm

    … WAAA…

    na-enter ko yung comment e hindi pa dapat, na-wrong send… hahaha!

    Anyways,

    ayun nga, OUCH!

    Kasi di ba, graduate na ako? Nung kaka-graduate ko pa lang, nagsasabi pa rin ako ng “estudyante” hehehe… Kasi naman! Hindi lang piso ang nababawas. From P26 to P20! P6 din yun, noh! hehehe…

    Pero dati yun… hindi na ngayon… ^^x

    Mabuti, mabait ka at hindi ka nakipag-away ng husto kay Manong… ^^x

    Reply
  • 3. yeye  |  August 7, 2008 at 1:13 am

    magaling magaling magaling
    buti at hindi ka na stranded

    ako talaga eksakto ung binabayad ko sa jeep. pasaway kasi ung iba eh mga sugapa kahit sinabi mo na estudyante ka, ung regular fare ung kinukuha sa bayad mo, kulang tuloy ung sukli.

    haggardness ka. pahinga ka pag pagod..maxado na toxic life mo šŸ™‚

    Reply
  • 4. daniel jr  |  August 16, 2008 at 1:11 am

    Hehe.. True. Nakakarelate ako sa post mo. Marami na rin ako naging scenario sa mga jeepney driver.. May mga buwayang maningil, na tipong kailangan uber emphasize mo na studenta ka. Meron din namang mababait. Lam mo ba, may naging ka-close pkong driver, si mang gaspar.. Sobrang natuwa yata sakin, nililibre ako pg sa kanya ako nasasakay. Syempre, ayokong abusuhin un kaya tintry ko pa rin mgbayad pero ayaw tlga tanggapin. Hehe..

    Cool tlga dito. So far, nakakarelate ako hehe. Buhay studyante, buhay pasahero. šŸ™‚

    Reply
  • 5. sherma  |  August 18, 2008 at 9:40 am

    dahil wala kang cbox, dito na lang ako maghe-hello… ^^x

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Sino ang Pasahero?

Upang malaman, muling bisitahin ang Know the Buzzerbeater! na pahina. :)

Biyahe Rito, Biyahe Roon

Patok na Biyahe!

  • None

Categories

Mga Nakaraang Biyahe


%d bloggers like this: