Lasing

May 23, 2008 at 9:00 pm 9 comments

Bilang paunang handog, hayaan ninyong ipahiya ko muna ang aking sarili. Haha.

Fratman. Iyan na yata ang isa sa mga katangiang nakatatak sa akin sa ngayon. Aminin ko man o hindi, alam naman nating lahat na hindi gaanong maganda ang tingin sa mga fratman na katulad ko. Nandiyan ang samu’t saring mga usapin gaya ng initiation at frat war. Kung kaya’t sa araw-araw kong pamumuhay, pilit kong ginagawang positibo ang imahe ng isang fratman.

Isang gabi, sumama akong makipag-inuman sa mga brods ko pagkatapos ng aming madugong pagpaplano para sa nalalapit na halalan ng konseho ng mga mag-aaral (student council). Ilang araw pa lamang nag nakalipas mula nang ako’y maging ganap na brod. Bilang bunso, naisip kong isa ito sa mga mabuting paraan upang makilala nang mabuti ang bawat brod sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Kadalasan, may ilang katangian ang mga tao na lingid sa kaalaman ng iba, at lumalabas ang mga ganitong katangian kapag sila’y nakainom.

Langhap ang usok na nagmumula sa mga sasakyan at ang usok mula sa yosi ng mga brods, nagsimula na kaming maglakad sa madilim na kalye ng Padre Faura patungo sa Caliente, ang pinakamalapit na bar sa likod ng UP Manila. Isa-isa kaming pumasok sa Caliente, kasama rin ang pag-asang magiging matibay ang bawat brod sa pagtangan sa mga prinsipyong taglay ng kapatiran.

Natuwa ako pagpasok sa Caliente. Nandoon din pala ang mga sis kong nag-uumapaw sa kagandahan. Naks. Humanap na rin ng puwesto ang mga brods malapit sa mga sis, habang isa-isa na ring nagsisilapitan ang mga serbidor upang tumugon sa mga order. Naging masaya naman ang pakikisalamuha ko partikular sa mga brods. Dahil sa pagiging bunso ko, naging tampulan ako ng mga pabirong pang-aasar. Kahit na sobrang makulit ang mga brods, natuwa naman ako sa atensyong ibinibigay nila sa akin.

Brod 1: (Tinapik sa balikat si Yom) O, dahan-dahan lang ang pag-inom! May mga ibang inuman pa! Mamaya, hindi ka makauwi n’yan.
Yom: (Lingon sabay ngiti) Kayang-kaya, brod!

Palalim na nang palalim ang gabi, ngunit parami rin nang parami ang mga brods na dumarating. Karamihan sa kanila ay mga alumni brods na. Siguradong may trabaho at pera na ang mga ito, sa loob-loob ko. At totoo nga. Hindi na rin kasi mapatid ang dami ng orders. Parang sky is the limit. Dito na ako napainom nang husto nang hindi ko namamalayan. Dahil sa bunso ako, napagbalingan naman ako ng atensyon ng mga alumni brods. Kung anu-anong tanong ang sinagot ko, napakaraming magagandang kuwento ang narinig ko mula sa kanila–lahat iyon habang tuloy ako sa paglagok ng Red Horse Stallion.

Hindi naman ako ang tipong hindi kaya ang sarili tuwing nalalasing, kaya alam kong kaya kong dalhin ang sarili ko pauwi. Nagpaalam na ako sa mga brods ko, ngunit ayaw nila akong pauwiin.

Brod 2: Huwag ka kaya munang umuwi. Magpababa ka muna ng amats mo.
Yom: Brod, I don’t seem to be drunk. Promise. I can handle myself. Uuwi na ako talaga.
Brod 3: Tama siya (Brod 2). Mamaya ka na umuwi. Parang hindi ka na nga makalakad d’yan, e. O kung gusto mo, makitulog ka muna sa bahay nila.
Yom: No. Uuwi ako. Aalis na ako.

Tumayo na ako, kahit parang dinuduyan na ang paligid ko. Kumamay ako sa bawat isang brod at sis na naroroon. Hinatid ako ng dalawa pang brod upang makasakay.

Brod 3: Sigurado ka bang kaya mo, brod?
Yom: Oo naman. Apir tayo!
Brod 3: (Nakipag-apir)
Brod 4: Heto ang P100. Mag-taxi ka na lang.
Yom: Hindi, brod. Kaya kong mag-jeep.
Brod 4: Huwag ka nang matigas ang ulo. Delikado na umuwi, pero mapilit ka lang kaya pumayag kami. Heto na. (Pinara ang isang taxi) Sige, sakay ka na! Manong, pakihatid sa Malinta, ah. Sa Valenzuela.

Umandar na nga ang taxi sa kahabaan ng Taft Avenue, patungong Rizal Avenue. Bihira akong sumakay sa taxi nang mag-isa ako, kung kaya hindi ako gaanong mapalagay. Dumagdag pa ang katotohanang lasing ako, at baka kung saan-saan kami magsuot ng tsuper na ito kapag nalaman niya ito, na magiging dahilan pa ng pagtaas ng metro ng taxi. Nakipagkuwentuhan na lamang ako kay Manong Taxi Driver upang mapawi ang kabang ito. Ayos, pang-Best Actor. Hindi ako halatang lasing. Hindi rin pinalaki ni Manong ang metro ko. Sa halos buong biyahe, naging matiwasay naman ang aking naging pagsakay.

Malapit na kami sa Malinta nang bigla kong pinahinto si Manong sa gitna ng daan.

Yom: (Nabubulol) Manong, wait lang. Let’s stop po muna.
Manong: (Nagtataka) Bakit?
Yom: (Binuksan ang pinto, at wala nang ibang lumabas sa kanyang bibig kundi suka)
Manong: (Hindi ko alam ang reaksyon niya) Naku, buti na lang. Sige, sumuka ka muna. Sabihin mo na lang uli kung kailan ka susuka, ha? Para hindi ka na magkalat dito sa loob.
Yom: (Nahihiya) Opo, Manong. Pasensya na po.

Naisip ko, iyon ang napala ko sa hindi pagsunod sa paalala ng mga “Kuya” ko. Ilang sandali pa, ganoon uli ang naging pangyayari. Buti na lamang at nakakapagsabi ako kay Manong. Nakakahiya kasi kung nagkalat ako sa loob. Ayoko pa rin naman maging pasaway talaga.

Naging maayos na muli ang aking sikmura hanggang sa pagbaba ko. Abot-abot ang pasasalamat ko at paghingi ko ng paumanhin kay Manong dahil maayos akong nakauwi ng bahay. Sinobrahan ko na lamang ang bayad sa taxi, kahit na wala nang natira sa pitaka ko. Malaki rin ang pasasalamat ko sa brods, dahil hindi nila ako hinayaang mag-jeep. Baka mas malaking kahihiyan ang inabot ko.

Kumatok ako sa bahay. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Papa.

Dad: (Naamoy ang alak ngunit hindi na lamang nagpuna) Gabi na anak, ah.
Yom: (Dumiretso sa kuwarto) Yeah, Pa. Tulog na ako.
Dad: Sige. (At pinatay ang ilaw)
Mom: (Naalimpungatan at naamoy na rin ang alak) Jong, lasing ka?
Yom: (Nakahiga at nakapikit) No, Ma. I just drank a bit o
Yom: (Nagsimula nang magsuka uli)

[Edited today, 23 May 2008. Undergoing MyBlogLog Verification]

Advertisements

Entry filed under: Kuwentong Taxi.

Tulog

9 Comments Add your own

  • 1. Kopee  |  May 24, 2008 at 1:17 am

    Hey, haha. Hmm. Ayos tong kwento mo dude ah. šŸ˜€

    Sa susunod kasi, wag palasing. Baka kung anu pa nangyari sayo nyan eh.

    Liked the story pero specify mo pa ng konti yung mga nangyari at sana yung approach eh medyo naughty šŸ˜€

    Mukhang may bagong blog na namang tatambayan ang Promdi Dormitoryano ah. šŸ˜€

    Reply
  • 2. aLps  |  May 24, 2008 at 2:51 pm

    Fratmen and Fraternities so-to-speak would, I believe, forever be nailed to frat-and-fratmen stereotype. But I don’t prejudge. šŸ˜€

    Takbo ka USC Chair! HAHA

    Reply
  • 3. Puypuy  |  May 24, 2008 at 3:58 pm

    At pareho tayo ng layout! Katuwa ka din no! Haha. Wateber. Sabay na ipinanganak ang blog natin dude šŸ˜€

    Reply
  • 4. Puypuy  |  May 24, 2008 at 3:59 pm

    And yep, links ex tayo bro šŸ˜€

    Reply
  • 5. tina  |  May 25, 2008 at 3:27 am

    just drank a bit of? hehe. nice story. na link ko na to.

    Reply
  • 6. claire  |  May 25, 2008 at 4:32 am

    Ay nako! Gerome! Hindi ka lasing. Buti na lang mabait ung taxi driver.

    Natatawa na lang ako. Kasi ang mga taong lasing, pag sinabihan mo ng “Lasing ka na!” talagang ide-deny nila! Kaya nga di ako nagpapalasing eh. Masaya kasi manood sa mga taong lasing. Basta hindi sila susuka sa harap ko. T_T

    Reply
  • 7. april  |  May 25, 2008 at 5:14 am

    hehe nice. kwento ka pa. šŸ˜‰

    Reply
  • 8. faint419  |  May 25, 2008 at 10:07 am

    hey there šŸ™‚ thanks for inviting me unfortunately i cant read the posts right now coz im still uber busy q-q

    perhaps some other time? and thanks for visiting my blog aswell šŸ˜€

    Reply
  • 9. Nika  |  June 1, 2008 at 9:32 am

    ahaha. familiar ang eksena sa taxi. ganyan kasi yun isa kong friend na guy nun pauwi kame nun lumabas kame nun bday ko a couple of years ago. ( o diba ang haba) kaso buti ikaw nakapahinto pa kay manong. cia hindi eh. nagsuka cia sa loob. dun pa naman sia sa unahan nakaupo. kame tuloy eh binayadan si manong ng 500. nanghihingi pa nga ng dagdag kasi di na daw cia makakabyahe eh wala nako moolah nun. ahahah. kaya hinayhinay lang sa inom at makinig pag sinabihan na magwait ka munang mahimasmasan. lalo na kung di ka pa masyado sanay at prone ka pa sa suka. šŸ˜›

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Sino ang Pasahero?

Upang malaman, muling bisitahin ang Know the Buzzerbeater! na pahina. :)

Biyahe Rito, Biyahe Roon

Patok na Biyahe!

  • None

Categories

Mga Nakaraang Biyahe


%d bloggers like this: