Tulog

May 26, 2008 at 10:40 am 10 comments

Iba talaga ang nagagawa kapag sobrang adik ka sa isang bagay.

Kahapon, nanood ako ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City. Knock-out match na kasi ng semi-finals at nagyaya ang Atenista kong kaibigan, kaya naisipan kong manood. Sobrang naging exciting naman ang mga laro, aside sa mga nagseseksihan at naggagandahang mga volleyball players tulad na lang ni Charo Soriano ng Ateneo, na hanggang ngayon ay hindi ko ma-get over. Nagpa-picture kasi kami, e. LOL.

Anyway, hindi naman tungkol sa amin ni Charo Soriano ang kuwento. Haha.

Pagkatapos naming makipag-bonding nang konti sa ilang mga players, naisip ko at ng mga kasama kong gumala sa Greenhills. Anak ng tinola. Napagastos pa ako. Nakakatamad kasi umuwi.

8:30 PM. Naisipan na naming umuwi ni Evan, ang natira kong kasama. Dalawa na lang kami na naglibot sa loob ng Greenhills kasi umalis na ‘yung Atenista kong kaibigan. Dahil sa kakaulan lang, patuloy ang pagsingaw ng init ng lupa. Nakakahilo. Kung kanina, tamad na tamad ako umuwi, ngayon naman ay gustung-gusto ko na! Inaantok na rin ako talaga. Tang-ina, malas yata kami. ‘Pag nasa ilalim kami ng pedestrian overpass, hihinto sa may open space ‘yung bus. At kapag nasa open space kami, hihinto naman sa ilalim ng overpass ang bus. Kaya lagi kaming takbo nang takbo. Peste.

9:40 PM. Sa wakas, nakasakay na kami. Instant orgasm. Haha. Isipin n’yo, isang oras kaming pahabol-habol sa bus. Takbo sa ilalim ng overpass, takbo sa open space.

Punuan na ang bus, katulad ng inaasahan namin. Dahil sa medyo gabi na rin talaga, ang daming tulog sa bus. Ang sarap nila tingnan. Nakakatuwa. Hayaan n’yong isalarawan ko sila.

  1. Disenteng Tulog. Sila ang mga taong tulog sa bus pero may dangal ang pagtulog. Maayos ang mukha, parang nakapikit lang, walang laway na tumutulo. Pati ang posisyon ng katawan, parang natural na nakaupo lang. Swabeng-swabe. Sila ‘yung maayos na katabi sa nagsusumikip na bus.
  2. Pasimpleng Tulog. Kadalasan, heto ang mga taong nakatakip ang mukha sa kamay nila, o ‘di kaya’y nakasubsob ang mukha sa kahit anong bagay. Hindi ko alam kung walang dangal ang itsura nila ‘pag tulog, o kung wala na talagang dangal ‘yung mismong mukha nila. Haha. Peace! Buti na lang, naisip nilang magtira ng kahit konting kahihiyan, dahil hindi sila malikot matulog. Ayt na ayt ang posisyon ng katawan, kaya okay lang na katabi.
  3. Ang Tulog na Walang Dangal. Nakanganga. Nagtutulo ang laway. Humahagok pa! Nakakatuwa silang tingnan dahil walang kagatol-gatol nilang ipinapahayag na, “Hoy, tulog ako! Hindi ba obvious?” Palagi siyang itinuturo ni Evan.
  4. Feeling Close. Kung akala n’yo, kayong mga may lablayp lang ang may linyang, “I need someone’s shoulder to lean on“, aba, nagkakamali kayo! Tulad na lang ng isang manong sa sinasakyan namin. Feel na feel n’ya ang balikat ng kanyang katabi. Ang macho papa raw kasi, e. Haha.
  5. Pa-cute na Tulog. Nakasalumbaba ang dalawang kamay. Parang si Princess Sarah. Haha. Si Evan ‘yung nakakita sa kanya. Kung bored na bored ka na sa biyahe, subukan n’yo silang pagmasdan. Nakakatuwa. Ingat lang dahil baka ang laway nila ay salung-salo na rin ng kamay nila.
  6. Ang Pinaka-walang Dangal. Nakanganga. Nagtutulo ang laway. Humahagok. Malikot (understatement po ito). Natutulog sa balikat, pwede ring sa lap (Sweet! Haha). Feeling close. At mas masaklap talaga kapag ikaw ang nakaupo malapit sa bintana. Kaya hahanga ka na lang talaga sa mga taong matitis ang mga ganitong katabi.

Eto ang kuwento: Napahiga na ‘yung manong na tulog doon sa pantatluhang upuan dahil nabakante ang isa. Nagulat kami ni Evan noong una, maging ‘yung mga ibang taong nakatayo, dahil akala namin, namatay nang biglaan ‘yung manong. Sinusubukan ng mga tao na itayo siya, ngunit walang reaksyon. Ilang minuto ring nakalaylay ang ulo at kamay ng manong na ‘yun, hanggang sa dumilat ito at nagsimulang kumilos. Pagkatapos ng eksenang ‘yun, hindi namin mapigilang tumawa ni Evan dahil parang bloopers ‘yung pangyayari. Pang-Bitoy’s Funniest Videos. Haha.

At dahil d’yan, ang Best Pasahero of the Trip ay mapupunta kay Kuya Macho Man! Isipin n’yo, mula Taytay, natiis n’ya ‘yun hanggang Lawton. Haha.

Mga Payong Pasahero:

  • Maging malinis sa katawan. Bago tayo umalis ng bahay, siguraduhing naligo tayo. Kung hindi na kayang maligo, subukang mag-amoy-baby man lang kahit paano. Ito ay para hindi naman masyadong mandiri ang mga katabi natin sa atin. Magandang paalala ito lalo na sa mga taong nabibilang sa #3, #4 at #6 na kategorya. Malay mo, mawili pa ang katabi mo dahil mabango ka.
  • Chill. Para ito sa ating mga pasahero na biktima ng mga taong kabilang sa #3, #4 at #6 na kategorya. Mainam na huwag na lamang silang kainisan dahil wala itong patutunguhan. Isipin mo, worry-free sila dahil nakatulog sila. Samantalang ikaw, mamatay-matay ka na sa inis. Huwag sirain ang araw sa kanila. Intindihin sila dahil baka wala naman silang alam talaga sa nangyayari sa paligid. Gayahin si Kuya Macho Man. Isaisip mo na lang na nakatulong ka sa kapwa mo pasahero.
  • Pumili ng katabi. May mga taong maselan sa katabi, kung kaya mainam na gamitin ang ESP. Tingnan mo kung sino ang mga taong kaaya-aya sa paningin mo o kung mukhang malinis. Siguraduhin mong gusto mo ang katabi mo para may pakunswelo ka kapag wala na siyang dangal sa pagtulog. Puwede mong sabihin sa sarili mong, “Okay lang, cute/mabango naman siya, e.” Applicable din ito sa mga may katabing nabibilang sa unang dalawang kategorya. Maaaring hindi sila ganoon sa biyahe, pero baka manyakis naman ang katabi mo.
  • Magdala ng pananggalang sa ulan. Para ito sa mga taong may katabing nabibilang sa #3-#6 na kategorya. Sila ang mga kadalasang naglalaway. Mahirap kapag nagpreno. Magdala ng jacket, kapote, payong at ung anu-ano pa. Magdala na rin ng plastik para hindi ka nila masukahan.
Advertisements

Entry filed under: Kuwentong Bus.

Lasing Stranded

10 Comments Add your own

  • 1. Puypuy  |  May 26, 2008 at 2:30 pm

    Wee. Good story 😀 Lol. Nakakatawa yung iba’t ibang uri ng pagtulog :))

    Reply
  • 2. april  |  May 26, 2008 at 2:41 pm

    haha so right. na-experience ko kanina na di gaanong kaaya-aya amoy ng katabi ko sa bus. haha. ;D

    Reply
  • 3. daniel jr  |  May 27, 2008 at 11:16 am

    kaya hanggat maaari, hindi ako sumasakay sa byaheng ordinary. kahit mejo may kamahalan, namumuhunan talaga ako sa aircon na bus, hindi ka na madadantayan ng katabi mo, mabango ka pa rin pag baba mo : )

    Reply
  • 4. eloiski  |  May 27, 2008 at 4:35 pm

    wahahaha. natawa ako sa post na to ah.
    okey na okey sa olrayt. dami ko ring nakikitang ganyang eksena kaya nga ayaw ko umidlip eh ang saya kasi nilang panoorin.
    hahaha.
    meron pa yaong iba na matutmba siya tapos balik uli sa dati tapos tumba balk.
    wapak!

    Reply
  • 5. yeye  |  May 28, 2008 at 3:25 am

    the other side of yom

    nax. nag-tagalog! hahaha

    ako eh ung klase na pasimpleng tulog hehehe. minsan kahit hindi tulog ganun ginagawa ko. kunwari tulog hahahaha

    Reply
  • 6. Nash  |  May 28, 2008 at 4:24 am

    ahaha ayos!

    nako kmusta naman at nakakatuwa talaga pagmasdan ang mga natutulog sa biyahe

    kasama ako dun hahahaha tulog din ako paminsan sa byahe eh

    Reply
  • 7. kingdaddyrich  |  May 29, 2008 at 10:50 am

    waw bago! ahahahaha…

    Reply
  • 8. kengkay  |  May 31, 2008 at 7:20 pm

    ang kyut, totoo talaga yang mga yang klaseng tulog na yan, ako parati napapatabi dun sa feeling ka lab tim ba, yung feeling close. alam mo kaya ayaw kong matulog sa biyahe e, kasi alam ko may mga taong katulad mo at katulad ko na nagmamasid 😀 pero sempre kapag provincial bus at sarado ang ilaw, yun, pwede yun! welcome sa WPP!

    Reply
  • 9. Enday  |  June 15, 2008 at 11:38 am

    wahaha… tumulo ata laway ko sa pagtawa dun ah?..hehe
    naku…kulit ng blog na to..
    link kita ah?link mo na lang din po ako kapag may time ka na..

    Reply
  • 10. chaikamizama  |  August 4, 2008 at 9:25 am

    yung iba ngtutulog tulugan lang…123! hihiih…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Sino ang Pasahero?

Upang malaman, muling bisitahin ang Know the Buzzerbeater! na pahina. :)

Biyahe Rito, Biyahe Roon

Patok na Biyahe!

  • None

Categories

Mga Nakaraang Biyahe


%d bloggers like this: